Lucas 24:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda.

2. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.

3. At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

4. At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit:

5. At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay?

Lucas 24