Lucas 22:28-31 Ang Biblia (TLAB)

28. Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin;

29. At kayo'y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,

30. Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.

31. Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

Lucas 22