1. Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.
2. At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka't nangatatakot sila sa bayan.
3. At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.
4. At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.
5. At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.
6. At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan.
7. At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua.
8. At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain.
9. At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda?
10. At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan.
11. At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?