Lucas 1:8-12 Ang Biblia (TLAB)

8. Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,

9. Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan.

10. At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan.

11. At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.

12. At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot.

Lucas 1