Levitico 27:15-28 Ang Biblia (TLAB)

15. At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya.

16. At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pag-aari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak.

17. Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga.

18. Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga.

19. At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya.

20. At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos:

21. Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang bukid na itinalaga: ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote.

22. At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, na hindi sa bukid na kaniyang pag-aari;

23. Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon.

24. Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pag-aari ng lupa.

25. At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera ang isang siklo.

26. Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.

27. At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.

28. Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pag-aari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.

Levitico 27