22. At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.
23. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24. Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.
25. Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: at kayo'y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
26. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
27. Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
28. At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka't araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios.
29. Sapagka't sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
30. At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan.
31. Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.
32. Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.
33. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
34. Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.
35. Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
36. Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
37. Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan: