27. Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy.
28. At maging baka o tupa ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak.
29. At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin.
30. Sa araw ding iyan kakanin; huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga: ako ang Panginoon.
31. Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon.