Levitico 14:33-37 Ang Biblia (TLAB)

33. At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

34. Pagka kayo'y nakapasok na sa lupain ng Canaan, na ibibigay kong pag-aari sa inyo, at ako'y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari;

35. Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote, na sasabihin, Tila mandin mayroong parang salot sa bahay:

36. At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa: at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay:

37. At titingnan ang salot, at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde, o namumula at tila malalim kaysa panig;

Levitico 14