Levitico 14:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2. Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong, sa kaarawan ng kaniyang paglilinis, siya'y dadalhin sa saserdote:

3. At ang saserdote ay lalabas sa kampamento; at titingnan ng saserdote, at, narito, kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong;

Levitico 14