Josue 21:24-27 Ang Biblia (TLAB)

24. Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.

25. At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.

26. Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.

27. At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.

Josue 21