Josue 2:18-23 Ang Biblia (TLAB)

18. Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.

19. At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.

20. Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.

21. At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.

22. At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.

23. Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.

Josue 2