Josue 19:15-24 Ang Biblia (TLAB)

15. At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

16. Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

17. Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.

18. At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,

19. At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,

20. At Rabbit, at Chision, at Ebes,

21. At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,

22. At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

23. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

24. At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.

Josue 19