Josue 18:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.

2. At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana.

3. At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?

4. Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.

Josue 18