58. Halhul, Beth-zur, at Gedor.
59. At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
60. Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
61. Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;
62. At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
63. At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.