Josue 15:47-63 Ang Biblia (TLAB)

47. Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.

48. At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,

49. At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),

50. At Anab, at Estemo, at Anim;

51. At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

52. Arab, at Dumah, at Esan,

53. At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:

54. At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

55. Maon, Carmel, at Ziph, at Juta,

56. At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,

57. Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

58. Halhul, Beth-zur, at Gedor.

59. At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

60. Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

61. Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;

62. At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

63. At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Josue 15