Job 9:26-31 Ang Biblia (TLAB)

26. Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.

27. Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:

28. Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.

29. Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?

30. Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;

31. Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.

Job 9