Job 9:17-29 Ang Biblia (TLAB)

17. Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.

18. Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.

19. Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?

20. Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.

21. Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.

22. Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.

23. Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.

24. Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?

25. Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.

26. Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.

27. Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:

28. Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.

29. Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?

Job 9