1. Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
2. Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
3. Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.