Job 36:22-27 Ang Biblia (TLAB)

22. Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya?

23. Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?

24. Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao.

25. Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo.

26. Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.

27. Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:

Job 36