Job 34:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,

2. Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman.

3. Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain.

4. Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.

5. Sapagka't sinabi ni Job, Ako'y matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran:

6. Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang.

Job 34