Job 33:1-9 Ang Biblia (TLAB)

1. Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.

2. Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.

3. Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.

4. Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.

5. Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.

6. Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.

7. Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.

8. Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,

9. Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:

Job 33