Job 3:17-24 Ang Biblia (TLAB)

17. Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.

18. Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.

19. Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.

20. Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;

21. Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;

22. Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?

23. Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?

24. Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.

Job 3