Job 28:5-14 Ang Biblia (TLAB)

5. Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.

6. Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.

7. Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon:

8. Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon,

9. Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.

10. Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.

11. Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.

12. Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?

13. Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.

14. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.

Job 28