Job 28:22-25 Ang Biblia (TLAB)

22. Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.

23. Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon.

24. Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;

25. Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.

Job 28