1. Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2. Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
3. Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4. Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5. Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6. Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.
7. Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon: