5. Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
6. Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
7. Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8. Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
9. Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10. Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11. O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12. Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13. At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14. Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit.
15. Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
16. Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos: