Job 19:23-26 Ang Biblia (TLAB)

23. Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat!

24. Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!

25. Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:

26. At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman:

Job 19