Job 17:3-9 Ang Biblia (TLAB)

3. Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?

4. Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas.

5. Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.

6. Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha.

7. Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.

8. Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.

9. Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.

Job 17