Job 17:12-16 Ang Biblia (TLAB)

12. Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.

13. Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:

14. Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;

15. Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?

16. Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok.

Job 17