Job 12:3-15 Ang Biblia (TLAB)

3. Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo: Hindi ako huli sa inyo: Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?

4. Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.

5. Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.

6. Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa, at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.

7. Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:

8. O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.

9. Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?

10. Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

11. Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?

12. Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

13. Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa.

14. Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.

15. Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.

Job 12