Job 11:18-20 Ang Biblia (TLAB)

18. At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.

19. Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.

20. Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.

Job 11