Job 11:14-19 Ang Biblia (TLAB)

14. Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;

15. Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:

16. Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:

17. At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.

18. At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.

19. Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.

Job 11