Job 10:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.

2. Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.

3. Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?

4. Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?

5. Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,

6. Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan,

Job 10