27. Iginawa kita ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at masubok ang kanilang lakad.
28. Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na nanganinirang puri; sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.
29. Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang masasama ay hindi nangaalis.
30. Tatawagin silang pilak na itinakuwil, sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon.