15. Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.
16. Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran.
17. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel;
18. Ni hindi kukulangin ang mga saserdote na mga Levita ng lalake sa harap ko na maghahandog ng mga handog na susunugin, at upang magsunog ng mga alay, at upang maghaing palagi.