Jeremias 31:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.

2. Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, nang aking papagpahingahin.

3. Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.

4. Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.

5. Muli kang magtatanim ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.

6. Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.

Jeremias 31