Jeremias 12:5-13 Ang Biblia (TLAB)

5. Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa kapalaluan ng Jordan?

6. Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.

7. Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.

8. Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.

9. Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.

10. Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.

11. Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't walang taong gumugunita.

12. Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.

13. Sila'y nangaghasik ng trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

Jeremias 12