8. Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
9. Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
10. Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
11. Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.
12. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.
13. At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan.