10. Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
11. Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.
12. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.
13. At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan.
14. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain.
15. Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda.