Isaias 5:14-22 Ang Biblia (TLAB)

14. Kaya't pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon.

15. At ang taong hamak ay pinayuyukod, at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba, at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba:

16. Nguni't ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan, at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran.

17. Kung magkagayo'y sasabsab ang mga kordero na gaya sa kanilang sabsaban, at ang mga sirang dako ng matataba ay kakanin ng mga palaboy.

18. Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton:

19. Na nagsasabi, Magmaliksi siya, madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita: at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman!

20. Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait!

21. Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin!

22. Sa aba nila na malakas uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin:

Isaias 5