Isaias 24:14-23 Ang Biblia (TLAB)

14. Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15. Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.

16. Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

17. Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

18. At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.

19. Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

20. Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

21. At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

22. At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

23. Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

Isaias 24