3. Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?
4. Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
5. Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.
6. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;