12. At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:
13. At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
14. At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
15. At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:
16. At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
17. At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.
18. At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si Enoc:
19. At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
20. At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.
21. At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
22. At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
23. At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
24. At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.
25. At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
26. At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;