Genesis 5:1-9 Ang Biblia (TLAB)

1. Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;

2. Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.

3. At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set:

4. At ang mga naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

5. At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay.

6. At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos.

7. At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

8. At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.

9. At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:

Genesis 5