18. Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa.
19. Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
20. Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu't lima.
21. Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu't tatlo.
22. Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim.
23. Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.
24. Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu't dalawa.
25. Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.
26. Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa.
27. Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.
28. Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
29. Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa.
30. Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim.
31. Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
32. Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.
33. Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima.