14. Ang luwang naman ng harapan ng bahay, at ng bukod na dako sa dakong silanganan, isang daang siko.
15. At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon, at ang mga galeria niyaon sa isang dako, at sa kabilang dako, isang daang siko; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban;
16. Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan),
17. Sa pagitan ng itaas ng pintuan, sa lalong loob ng bahay, at sa labas, at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat.
18. At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha;
19. Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:
20. Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo.