Ezekiel 26:11-15 Ang Biblia (TLAB)

11. Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa.

12. At sila'y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan, at lolooban ang iyong kalakal; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta, at gigibain ang iyong mga masayang bahay; at ilalagay ang iyong mga bato, at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig.

13. At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig.

14. At gagawin kitang hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.

15. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro; Hindi baga mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, pagka ang nasugatan ay dumadaing, pagka may patayan sa gitna mo?

Ezekiel 26