Ezekiel 17:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

2. Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel;

3. At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:

Ezekiel 17