Exodo 35:1-19 Ang Biblia (TLAB)

1. At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.

2. Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.

3. Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.

4. At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

5. Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

6. At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;

7. At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

8. At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:

9. At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.

10. At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;

11. Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;

12. Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang lambong ng tabing;

13. Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog;

14. Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang langis na pangilawan;

15. At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;

16. Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng salang tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;

17. Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;

18. Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;

19. Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.

Exodo 35