Exodo 35:1-11 Ang Biblia (TLAB)

1. At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.

2. Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.

3. Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.

4. At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

5. Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

6. At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;

7. At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

8. At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:

9. At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.

10. At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;

11. Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;

Exodo 35